Biyernes, Hunyo 29, 2007

Sa Mumu, Wag Matakot! ni Mark Angeles

NASA metaphysics versus dialectical materialism kami nang humingi ng 10-minute break ang mga kasama. Labing-isa kami; kalahati ay tambutso. Unang gabi sa lumang bahay. Sumasapin sa alingawngaw ng boses namin ang sitsit ng mga kuliglig.Biglang nagpulasan mula sa kuwarto ang mga nagyoyosi. "Diyan namatay ang lolo ko," paliwanag ng may-ari. "DM! DM!" pagbibiro ni Jean-Paul. "May mga ginabing NPA na nakituloy sa masa," ani Ezra. "Nilooban dati ang bahay. Nireyp at pinatay ang dalaga sa CR na pinagmumultuhan." “Hindi pala ito ginalaw. May mga bakas pa ng natuyong dugo. Nang linisin nila, hindi na narinig ang umiiyak tuwing hatinggabi.”