Nasa Bingit Siya ng Kamatayan ni Eduardo Porras Jr.
Tahimik ang buong paligid, tanging tunog ng mga nagsisitsitang kulisap ang aking naririning. Marami akong naiisip na sadyang di maalis-alis sa aking isipan, isang buwan na ang nakakaraan. Na i-imagine ko pa kung minsan ang maamo niyang mukha at wari’y may ibubulong na isang napakalaking tanong na siyang bumabagabag sa ‘king isipan. Kasunod niyan, naririnig ko ang mga yapak sa isang tabi, tumigil ako sa paghinga at dahan-dahan kong binuksan ang kurtina na siyang naghahati sa aking silid, kinakilabutan ako, ngunit pinilit ko, napalingon ako ng sandali at kita ang isang lamaparang unti-unting namamatay na nakapatong sa isang tumpok na libro. Pinikit ko ang aking mga mata at inisip Siya at biglang…may dumampi sa aking mga pisngi…sadyang napakalamig na hangin, hindi ko maintindihan, hindi ordinaryo. Nanginginig ang buo kong katawan.. dahan-dahan kong binuksan ang bintana ng aking mga mata at takot akong makitang, isang ulong pugot ang tumambad sa ‘king paningin. Ito’y nakapatong sa isang putol na puno ng “starapple” malapit sa aming bahay. Walang ilaw noon,sadyang napakadilim at nakaderitsang tingin sa ‘kin ang kanyang mga mata na unti-unti nang nabubulok. Kasabay niyan, umaalolol ang aso ng aming kapitbahay na para bagang may nakikita rin. Napasigaw ako, “Diyos ko po, tulungan mo ako!” at dali-daling kinuha ang malapad na kumot at itinabon sa aking buong katawan, sabay bigkas ng mga dasal. Natakot akong, baka sa aking siya magsasalita ng katotohanan. Hindi ko alam ang aking gagawin,naguguluhan ako. Napabalikwas ako ng maraming beses matapos ang isang oras na paghihintay na may kasunod na mangyari. Bawat galaw at ingay ramdam at rinig ko, pati na yaong hinga ng aming kalabaw na makikita sa may di-kalayuan. Pinatibay ko ang aking loob at sinabi ko sarili, “Kaya ko ‘to!” Nagbitiw ako ng mga salita, isang dasal na naman, “Diyos ko, na makapangyarihan sa lahat, nawa’y tulungan niyo po ako sa aking kalagayan, sana po maging matatag ako, matatahimik na siya. Ibigay niyo na po ang hinihingi niyang hustisya para maging ganap na ang kanyang pamamhinga, Sa ngalan ng ama, ng anak at ng Espiritu Santo, Amen.” Umiinit ang aking mga taenga na para bagang ako’y nabuhayan ng loob. Matapos masambit ang mga katagang iyon unti-unting huminahon ang aking pakiramdam. Tinangka ko ulit na pagmasdan ang labas ng aming bintana, matapos mangyari ang mga sandaling yaon., subalit ng tingnan ko’y tanging putol na puno lamang ang aking nakita. Wala na siya! Mga alas dos na riyan at maya-maya’y magbubukang-liwayway na…tumitilaok na ang tandang sa kabilang bahay, kaya’t tinangka kong manaog sa may tarangkahan upang magpahangin ng kunti at naghihintay para simulan naman ang isang bagong bukas. Uminom ako ng kape, at dali-daling pumunta sa may kinaroroonan ng ulong nakita ko. Hinay-hinay kong pinagmasdan ang bawat sulok ng puno at naghihintay na may makitang kung ano, subalit, wala, wala akong may nakita na makapagpaptunay na totoo nga iyon. Napaihi ako sa may di-kalayuan, sa may ilog malapit sa kinatitirikan ng aming bahay. Sapilitan kong ialis sa aking isipan ang mga palaisipang yaon, datapwat di ko magawa. Araw-araw, oras-oras niya akong pinapa-alala sa mga pangyayari. Gusto ko na sanang mamahinga sa kakaisip sa kanya at limutin siya ng lubusan. Kaya nga naisulat ko ang kwento na ito. Siya’y isa sa aking mga kaklase na talaga naming mabait, magaling sa mg talakayan at kahit anupaman. Palakaibigan sa ibang tao at kahit na mga guro’y humahanga sa kanyang galing. Ganyan ang kanyang katauhan… Miyerkules ng umaga, nakipag-usap siya sa ‘kin ukol sa kanyang mga plano’t hangari’y para sa skul. Pagkatapos nun, bumalik ako kaagad para pumasok sa aming klase at bago makaalis napangiti siya sa ‘kin at binalingan ko rin siya ng ngiti. Pagkalipas ng mga oras, ang oras na itinakda na siya’y sunduin ng kamatayan, siya’y masaya kasama ng ilang mga kaibigang malapit sa kanya. Pumunta siya sa lugar na parati niyang pinupuntahan at kina-umaga’y siya’y nawala na parang bula. Hinanap siya saan mang sulok ng bayan, pero ni-bakas wala. Nalaman na lang ng lahat, umaga ng Lunes ang balitang may isang tao na nakabitin sa isang puno at wala na itong buhay mga isang linggo bago siya nakita. Patay na nga siya, kita ng dalawa kong mata. Totoo nga! Nabubulok na ang kanyang mga mata at puno ng mga uod ang buong katawan. Napadigwa ako, halos lahat kami’y naawa sa kanya, at ang iba’y umiiyak pa. Hindi ko matitiis ang baho at amoy na nagmumula sa kanyang katawan, kaya umalis ako. Ilang oras pa, kinuha siya sa puno yaon at dinala sa isang pinakamalapit na punerarya. Sadyang napaka-brutal ang ginawa sa kanya. Nakatanggap siya na mga suntok, pasa at isang napakalaking “stub wounds” malapit sa kanyang puso na siguro nga’y nagging dahilan ng kanyang pagkamatay. Siya’y ibinurol ng dalawang araw lamang kasi’y talagang napakabaho na. Napaiyak kaming lahat sa mga nangyari at labag man sa aming kalooban ang kanyang pagkamatay, wala kaming magagawa. Hanggang sa ngayon, patuloy paring nakakubli ang katotohanan sa likod ng kanyang pagkamatay. Baka ikaw ay isa sa kanila, sana naman ay sumuko kana, para sa ikakatahimik niya.!
1 komento:
terima kasih
Mag-post ng isang Komento